"What is happening at PhilHealth is not plain stealing; it is plunder of the worst kind"
By now, it is obvious to anyone that the people managing the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) are greedy, rapacious, and corrupt to the core. (Actually, that is a redundancy because the root word of corruption is “rupture of the heart”; if you are in government, you break people’s hearts whenever you steal their money).
In fact, what is happening at PhilHealth is not plain stealing; it is plunder of the worst kind. People save their money, give it to PhilHealth to consolidate, so that when they get sick, they have some money with which to pay their medicine and hospital bills. When that money is stolen, then what happens is double jeopardy –you have lost your money, and you will probably get very sick and even die for lack of money to buy medicine and pay your hospital bill. Either way, you are in deep sh*t.
The corruption at PhilHealth was best described and summarized by Greco Belgica, commissioner of the Presidential Anti-Corruption Commission when he appeared Aug. 11, 2020 before the Senate, which as an entire body, investigating corruption at PhilHealth. Belgica concluded that in the Bible, corruption is punishable by death. In President Duterte’s language: “shoot to kill”.
Here is Belgica’s statement (in Tagalog or Pilipino):
Ang PACC ay itinatag ng Pangulong Duterte upang tulungan siyang mag-imbestiga, kumuha ng ebidensiya at isumbong sa kanya ang mga corrupt na opisyal ng gobyerno at irekomenda sa kanya ang mga aksyon na dapat gawin.
Madami na kaming inimbestigahan, kinasuhan, pinatanggal at pinakulong pero ang isyu ng PhilHealth grabe po ito. Grabe ang nakawan. Grabe ang kakapalan. Grabe ang kawalangyaan.
Ang isyu ng PhilHealth ay isyu ng bawat Pilipino dahil ang mandato nito ay siguruhin na tutulungan tayo sa mga bayarin sa ospital kapag tayo ay nagkasakit. Kung grabe ang sakit ng Pilipino mas grabe ang sakit ng PhilHealth. Kawawa ang Pilipino.
Nandito po ako para sabihin sa inyo at sa bawat Pilipino kung paano pinagnanakawan ng PhilHealth ang mga tao. Ito ang unang isyu na kailangan nating i-address ngayon. Dahil dalawang hanggang tatlong bilyong piso ang inilalabas ng PhilHealth linggo-linggo na exposed sa corruption.
At ngayon po, habang nandito tayo sa hearing ay tuloy-tuloy pa rin ang nakawan, ang bayaran ng mga magnanakaw na ito dahil hindi nababago ang sistema at hindi naaalis ang mga tao maliban sa tinatanggal ng Pangulo.
Dahil sa nakawan, namemeligro tayo na mawalan ng pondo. Paulit-ulit ang imbestigasyon pero walang nababago. Ang imbestigasyon at resulta nito ay dapat umabot sa ugat ng problema. Hindi puwedeng ulo lang, kailangan lahat hanggang baba makasuhan, maparusahan at mapalitan lahat.
Dalawa lang, dalawa lang kailangan nating tuunan ng pansin para mabago ang corrupt na sistema sa ngayon—ang IT at ang legal system.
Ang IT system na ginagamit ng PhilHealth ngayon as no validation mechanism kaya nama-manipulate ng mga empleyado at ospital na hindi tsini-check ng PhilHealth kung totoo ang mga claims nila.
Example, para kang nagpagawa ng bahay. Ang katiwala mo bumili ng materyales at kinuntsaba ang hardware at dinoble ang presyo ng resibo tapos pinabayaran sa iyo at kinuha ang kanyang komisyon sa hardware. Ganyan niloloko ng PhilHealth ang mga Pilipino.
Dahil walang validation mechanism, bayad lang ng bayad ang PhilHealth na parang tanga ang mga ospital habang ginagago naman ang tao. Tama na ito. Tama na ang nakawan.
Pangalawang problema ay ang corrupt at mabagal na sistema ng legal (legal system). Iniipit halos lahat ng kaso. Isang example at ang Corpus Hospital na merong 220 cases na hindi isinampa ng regional office sa kabila ng order ng central office na sampahan ito ng kaso.
Dapat po na maglagay ng external validation mechanism ang PhilHealth sa kanilang IT system. Marami na pong nag-offer ng solusyon sa problemang ito gaya ng Land Bank, DBP at iba pang private companies at no cost to government pero hindi nila ina-aksyunan dahil maaapektuhan ang kanilang pinagkakakitaan.
Hindi kailangan ng PhilHealth ng additional funding of P2 billion kung talagang gusto nilang bigyan ng solusyon ang problema sa PhilHealth dahil gaya ng sinabi ko, meron akong apppintment o OIC ipagsuspinde ang lahat sa kapalpakan at corruption mula board executive committee hanggang sa regions pending investigation at mag-appoint ng mga OICs para sa araw-araw na operations dahil kung si General Morales – balewala po ito dahil hindi maa-address ang problema dahil mula ulo hanggang paa ang korapsyon sa PhilHealth.
I-improve ang legal system by simplifying the legal process at ilabas ang imbestigasyon sa opisina ang PhilHealth para matutukan at maisampa sa korte ang mga kasong hanggang sa pinakadulong empleyado na naging parte ng nakawan sa PhilHealth.
At i-continue ang investigation on fraudulent cases. Ituloy ang imbestigasyon sa lahat ng kasama ang regional office para mapaliwanag ang upcasing at sobra-sorang pera na ginastos nito.
Kami po sa PACC ay may mahabang listahan na iniimbestigahan hindi ko na lamang po babanggitin ngayon para hindi ma-compromise ang ongoing investigations namin pero mula ulo hanggang paa titignan namin ang lahat ng dinadaanan nila. Wala kaming palulusutin at wala kaming didiinan. Yun lang totoo ang ilalabas namin at kakasuhan. Magsasampa na rin po kami ng kaso sa Ombudsman at ipagpapatuloy namin ang imbestigasyon kasama ang task force na binuo ng Pangulo.
Ito po ang mensahe ko sa mga empleyado ng PhilHealth, kapag may nakawang nangyari at hindi ka umimik—ang tawag sa iyo kasabwat.
At bilang pangwakas, nais ko lamang pong sabihin sa Senado at sa Pilipino na sa Banal na Kasulatan ang pagnanakaw ay hinahatulan ng parusang kamatayan.
biznewsasia@gmail.com