PARAÑAQUE, Philippines – The highly anticipated 8th Nation Builders & MOSLIV Awards is set to take place on March 21, 2025, at the Grand Ballroom of Okada Manila. This prestigious event will recognize individuals, organizations, and companies that have made exceptional contributions to sustainability, social responsibility, and governance.
With over 1,000 esteemed guests expected to attend, the ceremony will honor new awardees and recognition recipients who have demonstrated outstanding leadership and innovation in advancing sustainable initiatives. Adding to the prestige of this year’s event is the participation of the United States, with Senator Shelly V. Calvo as one of the distinguished guest speakers. She will share valuable insights on the global movement toward a more sustainable and livable future.
Organized by Sustainability Standards, Inc., the awards recognize visionaries across various sectors who have significantly contributed to sustainability efforts within their industries. The organization remains committed to honoring and supporting individuals and businesses that prioritize environmental conservation, corporate social responsibility, and sustainable development goals (SDGs).

Since its establishment in 2018, the Nation Builders & MOSLIV Awards has recognized over 800 influential individuals and organizations, underscoring the critical role of sustainability in driving positive societal change. Last year’s honorees included key government officials and business leaders dedicated to fostering greener, more inclusive communities.
This year’s event is expected to be a milestone celebration, bringing together thought leaders, changemakers, and industry pioneers for an evening dedicated to excellence and progress. As the world continues to shift toward sustainable practices, the 8th Nation Builders & MOSLIV Awards reaffirms its mission of honoring those who are shaping a more sustainable and livable future.
_____________________________________________________________
8th Nation Builders & MOSLIV Awards: Pagkilala sa mga Kampyon ng Sustainability
PARAÑAQUE, Philippines – Muling magtitipon ang mga indibidwal, grupo, lider ng bawat komunidad, bayan, at lungsod, at mga lider na nagtataguyod ng sustenabilidad, sa nalalapit na 8th Nation Builders & MOSLIV Awards, na gaganapin sa Grand Ballroom ng Okada Manila sa Marso 21, 2025. Ang prestihiyosong pagdidiriwang na ito ay magbibigay-pugay sa mga indibidwal, organisasyon, at kompanyang may mahalagang ambag sa sustainability, social responsibility, at mabuting pamamahala.
Mahigit 1,000 panauhin ang inaasahang dadalo sa seremonya, kung saan pararangalan ang mga bagong awardees na nagpakita ng pambihirang pamumuno at pagbabago sa pagsusulong ng mga sustainable na proyekto. Lalong naging makasaysayan ang edisyong ito dahil sa paglahok ng United States—isa sa mga pangunahing tagapagsalita at awardee ngayong taon ay si U.S. Senator Shelly V. Calvo, na magbibigay ng mahahalagang mensahe tungkol sa pandaigdigang kampanya para sa isang “Most Sustainable and Liveable Future”.
Ang parangal na ito ay pinangungunahan ng Sustainability Standards, Inc., isang organisasyong nagtataguyod ng sustainability sa iba’t ibang sektor. Sa pamamagitan ng kanilang mga pangunahing programa, patuloy nilang kinikilala at sinusuportahan ang mga indibidwal at negosyong inuuna ang environmental conservation, corporate social responsibility, at sustainable development goals.
Mula nang itatag noong 2018, ang Nation Builders & MOSLIV Awards ay nakapagbigay na ng parangal sa mahigit 800 indibidwal at organisasyon, na nagpapatunay sa malaking papel ng sustainability sa pag-unlad ng lipunan. Kabilang sa mga pinarangalan noong nakaraang taon ang mga pangunahing opisyal ng gobyerno at lider ng industriya na aktibong nagtataguyod ng mas berde at inklusibong mga komunidad.
Ngayong taon, inaasahang magiging makasaysayan ang parangal, na magsasama-sama ng visionary leaders, changemakers, at experts sa isang gabi ng pagkilala at inspirasyon. Habang patuloy na kumikilos ang mundo patungo sa mas sustainable na kinabukasan, patuloy na kikilalanin ng 8th Nation Builders & MOSLIV Awards ang mga indibidwal at organisasyong may hindi matatawarang ambag sa larangang ito.